^

Atake ng Abu Sayyaf nasilat

() - September 27, 2009 - 12:00am

MANILA, Philippines - Nasilat ng tropa ng Philippine Marines ang pag-atake ng mga bandidong Abu Sayyaf sa detachment ng militar sa Barangay Bato-Bato, Indanan, Sulu kamakalawa ng gabi.

Ayon kay regional Army spokesman na si Major David Hontiveros, bandang alas-7:50 ng gabi nang lumusob sa detachment ng Philippine Marines ang grupo ng mga bandido.

Taliwas sa inaasahan ng mga kalaban ay naka­paghanda ang mga sun­dalo laban sa umaatakeng mga armadong bandido.

Wala namang naiulat na nasugatan at nasawi sa panig ng tropa ng Phil. Marine kung saan naitaboy ang mga bandido.

Patuloy naman ang open­­siba ng tropang gob­yerno laban sa grupo ng mga wanted na lider ng Abu Sayyaf na sangkot sa pag­hahasik ng terorismo sa Western Mindanao. Joy Cantos

ABU SAYYAF AYON BARANGAY BATO-BATO INDANAN JOY CANTOS MAJOR DAVID HONTIVEROS NASILAT PATULOY PHILIPPINE MARINES WESTERN MINDANAO
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with