Sanggol itinapon sa tulay

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Isang bangkay ng sang­gol na lalaki na sinasabing inihagis ang natagpuan sa ilalim ng tulay kamakalawa sa bayan ng Amulung, Cagayan. 

Sa inisyal na ulat ng pulisya, sinasabing inihagis ang sang­gol mula sa taas ng tulay batay sa pinsala na nakita na na­balian ng leeg at bitak ang bungo na posibleng tumama sa bato.

Nakabalot sa plastic bag ang sanggol na pinanini­wa­laang kapapanganak pa lamang dahil sa buo pa ang umbilical cord nito at hindi pa napuputol. Agad naman na inilibing ang bangkay ng sanggol sa Amulung public cemetery. (Victor Martin) 

Show comments