Suspek sa P6-milyong robbery tiklo

BAGUIO CITY, Philippines – Na­aresto ng pulisya ang isa sa pangunahing suspek sa ka­song pagnanakaw at carnap­ping sa Crystal Cave noong Hulyo 1 kung saan aabot sa P6 milyong halaga ng ginto ang na­tangay.

Sumasailalim na sa tactical interrogation ang suspek na si Nero Mocyat Melecio, 32, ng Mankayan, Benguet. Nare­kober ng pulisya ang Mi­tsubishi FB (AEM 358) ng bik­tima na ginamit na gateway ng mga suspek.

Ka­bilang sa mga na­ta­ngay ng mga suspek mula sa ne­gosyanteng si Jay­ son Changwaten, ay ang 900 gramong ginto, 3.4 kilong raw material para maka­gawa ng gold at isang cal. 40 pistol. Artemio Dumlao

Show comments