Ama dinos-por-dos ng anak, dedo

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Nagmis­tulang mabangis na hayop ang isang anak na lalaki matapos nitong hatawin ng dos-por-dos hanggang sa mapatay ang kanyang ama kamakalawa sa bakuran ng kanilang bahay sa Naga City, Camarines Sur.

Basag ang bao ng ulo ng biktimang si Salvador San Jose, 69, habang ti­nutugis naman ng pulisya ang suspek na si Rolly Boy San Jose, 21.

Base sa ulat ng pulisya, lumilitaw na nag-iinuman ng alak ang mag-utol na Rolly at Raul sa labas ng kanilang tahanan sa Ba­rangay Mabolo nang mag­kapikunan kaugnay sa is­yung politika.

Dahil sa kapwa lango sa alak ang mag-utol ay nag­kasuntukan kaya inawat naman ng kanilang ama subalit pinagbalingan ito ng suspek at pinagpapalo ng dos-por-dos hanggang sa duguang bumulagta.

Nang matauhan ang suspek mula sa espiritu ng alak ay kaagad na tuma­kas habang naisu­ god na­man sa ospital ang bik­tima subalit idinek­larang patay.

Show comments