Tanod tinodas ng bingi

ORMOC CITY, Leyte, Philippines – Sinaksak at napatay ang isang barangay tanod matapos nitong sampalin ang isang manggagawang bingi sa Brgy. Cabulihan noong Linggo ng hapon sa Ormoc City, Leyte.

Kinilala ni P/Insp. Lito Wenceslao, Precinct 2 chief base, ang biktima na si Reynaldo Sumalinog y Pilapil, 48, habang sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Joel Perusa y Ando, 25, cane worker at residente ng Brgy. Cagnocot, Villaba, Leyte.

Ayon kay SPO3 Leo Enalisan, lumilitaw na nilapitan ng biktima ang suspek sa basketball court para alamin ang kanyang personal identity. Kahit bingi ay naipakilala naman ng suspek ang kanyang sarili sa biktimang lango sa alak subalit sinampal siya nito. Ayon sa pulisya, nagalit ang suspek sa pananampal ng biktima kaya isinagawa ang pamamaslang. Roberto Dejon


Show comments