Farmer tinodas dahil sa manok

KIDAPAWAN CITY, Philippines – Pinagtulungang saksakain hanggang sa mapatay ang isang farm worker ng kanyang mga kaibigan dahil lamang sa pagtangging magbigay ng manok na pampulutan sa inuman ng alak kamakalawa sa Brgy. Katipunan sa bayan ng Makilala, North Cota­bato. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ramil Mahinay, 18. Samantala, nasakote naman ng pulisya ang dalawa sa tatlong suspek na sina Geoffrey Balucos at alyas Edison habang tugis naman si Frederick dela Cruz. Ayon kay P/Insp. Ramel Hojilla, hepe ng Makilala PNP, nag­tungo ang mga suspek sa bahay ni Mahinay, para humingi ng manok na kakatayin sana sa kanilang inuman. Subalit tumanggi ang biktima kaya naganap ang pamamaslang. Malu Manar

Show comments