P2 milyon limas sa pawnshop

LINGAYEN, Panga­si­nan , Philippines – Aabot sa P2 milyong halaga ng ari-arian ang na­limas matapos holdapin ng dalawang ’di-pa kilalang ka­lalakihan ang isang pawnshop sa New Public Market sa Urdaneta City, Panga­si­nan kamakalawa ng umaga.

Sa ulat ng Pangasinan police office, hinoldap ng mga kalala­kihang nagpanggap na kustomer ang Northern Balikbayan Pawnshop kung saan ipinosas ang dalawang kawani na sina Melissa Fortit at Randy Collado.

Lumitaw sa imbentaryo nina Fortit at Collado, aabot sa P1,780,000 ng mga alahas at P165, 617.80 na salapi ang nalimas ng mga holdaper. Patuloy naman ang follow-up operation ng pulisya para hindi makalayo ang dalawang holdaper. (Cesar Ramirez)

Show comments