^

Probinsiya

Boyfren na dumedo sa nobya, tiklo

-

VIGAN CITY, Philippines – Kasalukuyang sumasailalim sa imbestigasyon ng pulisya ang isang 19-anyos na lalaki matapos isangkot sa pagpatay sa kanyang nobyang 17-anyos na babae na natagpuan sa plantasyon ng tubo sa Barangay Gongongong sa bayan ng San Ildefonso, ayon sa ulat kahapon. Napag-alamang naunang ipinagbigay-alam ng suspek na si Michael Donato, na pinalo at napaslang ng ‘di-kilalang lalaki ang nobyang si Maryann Flores, 17, ng Bayubay, San Vicente. Subalit hindi pinaniwalaan ng pulisya ang salaysay ng suspek kaya siya inimbestigahan at ikinulong. Sa record ng pulisya, sinundo ni Donato si Flores lulan ng motorsiklo noong Huwebes saka nagpunta sa Puerto Beach sa bayan ng San Ildefonso. May teorya ang pulisya na pinatay ng suspek ang kanyang nobya saka dinala ang bangkay sa sugarcane farm. Teddy Molina

vuukle comment

BARANGAY GONGONGONG

BAYUBAY

DONATO

HUWEBES

MARYANN FLORES

MICHAEL DONATO

PUERTO BEACH

SAN ILDEFONSO

SAN VICENTE

TEDDY MOLINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with