Kuya nag-suicide matapos i-rape slay ang utol

CAMARINES NORTE – May posibilidad na ‘di-pi­natahimik ng konsensiya ang isang 25-anyos na la­laki kaya nagdesisyong mag­ bigti matapos halayin at patayin ang kanyang utol na dalagita sa madamong ba­ hagi ng Sitio Tumbaga sa Barangay San Rafael sa bayan ng Jose Pangani­ban, Camarines Norte.

Bandang alas-7 ng uma­ga nang matagpuan ng mga residente ang bangkay ni Rosito Rampas na nakabitin sa punong­kahoy sa likurang bahagi ng kanilang tahanan sa nabanggit na barangay.

Ayon sa hepe ng pulisya na si P/Insp. Wilmor Hala­mani, si Rosito ay nakatak­dang imbestigahan ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ka­ugnay sa brutal na pag­paslang sa kanyang utol na si Glenda.

Si Glenda, 15, 3rd year sa Jose Panganiban National High School ay na­tagpuang patay na walang saplot sa katawan malapit sa bahay ng pamilya Ram­pas.

Sa tala ng pulisya, may palatandaang hinalay muna ang biktima bago ginilitan ng leeg at iniwan sa ma­da­mong bahagi ng nabanggit na barangay.

Naging palaisipan sa mga imbestigador ang big­lang pagkawala ng pangu­nahing suspek na halos dalawang buwang nag­tago matapos madiskubre ang krimen.

May teorya ang pulisya na ‘di-mapagkatulog ang sus­pek dahil sa ginawang kri­men laban sa sariling utol kaya nagdesisyong magbigti.

“Masasabi ko na sarado na ang kasong rape slay dahil ang itinuturong pa­ngunahing suspek ay nag­bayad na sa kanyang ka­salanan,” pahayag ni Ha­la­mani.  (Francis Elevado)

Show comments