^

Probinsiya

Magsyota inutas sa park

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines – Naging trahedya ang pagdiriwang ng Valen­tine’s Day ng magkasin­tahan nag-date matapos pagbabarilin hanggang sa mapatay ng mga di- nakila­lang lalaki bago iniwan sa madamong bahagi ng industrial park sa Calamba City, Laguna kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Supt. Christopher Tambungan, hepe ng Calamba PNP, ang mga biktimang sina Elson Ca­guicla, 18, ng Lizardo Compound, Sto. Domingo Road, Barangay Mayapa, Calamba City; at Ronalie Calida, 18, ng Don Bosco Street, Barangay Mayapa, Calamba City.

Sa police report, si Caguicla na estudyante ng Dual Tech at si Calida na estudyante naman ng Letran College ay natag­puang nakahandusay sa madamong bahagi sa may Sitio Riverside, Barangay Batino bandang alas-6 ng umaga.

Sa salaysay ni Calamba City Traffic Management Officer Nardo Barradas, na naunang nakakita sa dala­wang bangkay, na kapwa may mga tama ng bala ng baril sa ulo.

Ayon sa pulisya, huling namataang buhay ang magsyota kamakalawa ng bandang alas-7 ng gabi habang nagkukwentuhan at nakaupo sa gutter ng kalsada ng naturang lugar.

Sa kuwento naman ng se­curity guard na si Von Gerald Velarde, na nakata­laga sa gusali na may ilang metro ang layo sa pinang­yarihan ng krimen, nakari­nig siya ng dalawang mag­kasunod na putok ng baril kamakalawa ng gabi pero hindi niya ito pinansin.

Isinantabi naman ng mga imbestigador na pag­nanakaw ang motibo sa pagpaslang sa magkasin­tahan dahil hindi naman nawawala ang mga pera at kagamitan ng mga biktima noong sila ay matagpuang patay.

vuukle comment

BARANGAY BATINO

BARANGAY MAYAPA

CALAMBA CITY

CALAMBA CITY TRAFFIC MANAGEMENT OFFICER NARDO BARRADAS

CHRISTOPHER TAMBUNGAN

DOMINGO ROAD

DON BOSCO STREET

DUAL TECH

ELSON CA

LETRAN COLLEGE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with