^

Probinsiya

Mag-utol makikipaglamay, paglalamayan

-

Hindi na nakadalo sa pa­kikipaglamay at pakiki­pag­libing ang mag-utol na lalaki makaraang karitin ni kama­tayan habang 22 iba pa ang iniulat na nasu­gatan maka­raang sumal­pok sa poste ng kuryente ang sinasakyang jeepney sa gilid ng highway sa bayan ng Matina, Davao City kamakalawa ng uma­ga.

Kinilala ang mag-utol na sina Alejandro Jatico, drayber ng jeepney at ang utol nitong si Leodigario Jatico.

Kabilang naman sa mga nasugatan at nasa kritikal na kondisyon ay ang pitong me­nor-de-edad.

Base sa police report na nakarating sa Camp Cra­me, naganap ang sakuna sa ka­habaan ng Shrine Hills sa Matina District sa bandang alas -9 ng umaga. 

Nabatid na patungong bayan ng Matanao, Davao del Sur ang mga biktima upang makipaglibing sa yumaong kamag-anak nang mawalan ng kontrol sa ma­nibela ang drayber nang su­mapit sa pataas at kurba­dang bahagi ng highway.

Tuluy-tuloy na sumal­pok sa poste ng kuryente ang jeepney na ikinasawi at ikinasugat ng mga bik­tima. (Joy Cantos)

vuukle comment

ALEJANDRO JATICO

CAMP CRA

DAVAO

DAVAO CITY

JOY CANTOS

KABILANG

LEODIGARIO JATICO

MATINA DISTRICT

SHRINE HILLS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with