Ka-live-in dinedo, lover nag-suicide

Pinagbabaril muna ng isang selosong lover ang kanyang live-in partner bago nag-suicide sa pamama­gitan ng pagkuryente sa sa­rili  sa Toledo City, Cebu ka­ma­kalawa ng gabi.

Sa police report na naka­rating sa Camp Crame, da­kong alas-10 ng gabi nang paslangin ng suspek na si Biato Macapas, 57, ang ka­ni­yang ka-live-in na si Analie Merta, 26, ng Brgy. Pobla­cion.

Sa salaysay ng ilang ka­pitbahay sa pulisya, na­rinig pa nilang nag-aaway ang magka-live-in dahil naki­ki­pag­hiwalay si Merta sa suspek.

Napag-alamang may na­pupusuang dayuhan si Merta kaya nagdesisyong makipag­hiwalay na ito kay Macapas na sobrang se­loso.

“Kung hindi ka rin lang magiging akin, mas nanaisin ko pang mamatay ka kaysa mapunta ka sa iba,” sigaw ng suspek na narinig pa ng kanilang mga kapitbahay sa gitna ng malalakas na kala­bugan sa loob ng tahanan ng magka-live-in.

Gayon pa man, dakong alas-3 naman ng madaling-araw kahapon, narinig na pumapalahaw si Macapas at nang tunguhin ng mga ka­anak, nakita na lamang ang sunog na katawan nito sa tabi ng duguang bang­kay ni Merta na nag-suicide mata­pos na kuryentehin ang ka­niyang sarili. Joy Cantos

Show comments