Ex-Marines dedo sa pulisya

Camp Vicente Lim, Laguna – Kinalawit ni kamata­yan ang isang retiradong sundalo matapos maki­pag­ba­rilan sa mga pulis ng Pag­sanjan, Laguna dahil umano sa illegal logging kamaka­lawa ng hapon.

Kinilala ni Senior Superintendent Manolito Labador, Laguna police director, ang napatay na si Alfonso Ba­lete, dating miyembro ng Philippine Marines.

Ayon sa report, nagsa­gawa ng operasyon ang apat na pulis-Pagsanjan na sina PO2 Giovanni Ma­more, PO1 Chris Vergara, PO1 Sherwin Abadier at PO1 Romeo En­canado sa Barangay Pinag­sangahan at nakahuli ng tatlong illegal loggers.

Nang, papaalis na ang mga pulis sa lugar, bigla na lang silang hinarang ni Balete at sapilitang inaarbor ang tatlong illegal loggers hang­gang sa mauwi sa mainitang pagtatalo at humantong na sa barilan. (Arnell Ozaeta)

Show comments