^

Probinsiya

Mag-ama itinumba ng NPA

-

Isang 40 anyos na ama at anak nito ang nasawi habang isa pa ang gra­beng nasugatan matapos na pagbabarilin ng limang armadong kalalakihan na pinaghihinalaang kasapi ng New People’s Army sa Gutalac, Zamboanga del Norte kamakalawa.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 9, nakilala ang mga namatay na sina Francisco Casi­pong, at anak nito na si Jason, 16 anyos.

Nilalapatan naman ng lunas sa pagamutan ang sugatang si Rodelio Saba­nal, 32 anyos, may-asa­wa.

Base sa imbesti­gas­yon,  naganap ang pama­maril dakong alas-9:00 ng uma­ga sa Barangay Pi­togo sa Gutalac.

Kinontrata ng pamilya Casipong si Sabanal at ang helper nito na si Da­nilo Mangubat para putulin ang mga puno ng Geme­lina sa nasabing ba­rangay.

Bigla namang sumulpot ang limang salarin at pi­natigil ang dalawa sa pag­puputol ng mga puno na nauwi sa mainitang pag­tatalo.

Bunsod nito, pinagba­baril ng mga salarin ang mga biktima saka mabilis na nagsitakas. (Joy Cantos)

vuukle comment

BARANGAY PI

FRANCISCO CASI

GUTALAC

JOY CANTOS

NEW PEOPLE

POLICE REGIONAL OFFICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with