^

Probinsiya

2 bus pinasabog sa Davao

- Nina Malu Manar at Joy Cantos -

KIDAPAWAN CITY  Dalawang sibilyan ang iniulat na namatay, habang 18 iba pang nasugatan makaraang pasabugin ang da­lawang pampasaherong bus  sa  Digos  City  overland terminal, kahapon ng umaga.

Ayon kay Army Maj. Randy Cabangbang ng Eastern Mindanao Command, unang pinasabog ang Davao Metro Shuttle bus na may plakang LDS 506, at sumunod ang isa pang bus na may body number 176 na nakapa­rada lang sa terminal.  

Napag-alamang kaba­baba lang ng mga pasa­hero mula sa bayan ng Bansalan, Davao del Sur sakay ng Davao Metro Shuttle bus nang sumabog ang bomba.     

Nabatid na magkakaiba ang ulat tungkol sa dami ng mga nasawi at nasugatan sa pagsabog.

Kabilang sa mga bik­timang dinala sa Davao del Sur Provincial Hospital ay sina Pinky Patalinhog, Alfonso Rebuyon, Llanel Monteporte, Jean Mon­porte, Marites Orbuda; Jesus Dirio, Roberto Do­roma, Flor Rami, Jerry Lamak, Donire Timpron, Llonodido Marginok, Ange­lita Hinsalya, Lonito Sa­nidigan, PO1 Andres Al­fonso, Ricardo Ricana, Magna Parantar, Mayones Tsanses, Angelita Delcaria, Pidelito Recana, Dexter Malda, Gloria Canal, Christian Tsanses, at si  Zyra Adelyero .

Sa report ni P/Chief Insp. Anthony Padua, hepe ng Digos City PNP, nabatid na 29-pasahero ang tina­maan ng shrapnel ng bomba.

Sinabi ni Cabangbang na patuloy pang inaalam ng mga operatiba ng Explosives and Ordnance Disposal (EOD) Team, ang anggulong extortion at ang grupong may kinalaman  sa insidente.

Isa ang Davao Metro Shuttle Bus company sa mga kompanya ng bus na nagbi-biyahe sa Cotabato-General Santos-Davao route na nakatatanggap ng mga extortion threat mula sa isang extortion ring na nag-ooperate sa central Mindanao

Samantala, naunang  inihayag ni AFP Eastern Min­danao Spokesman Major Armand Rico na tatlo ang nasawi pero bandang alas-4 ng hapon ay binawi niya ang na­sabing ulat at wala pang kasiguruhan kung mabu­bu­hay ang mga ito.

DAVAO DAVAO METRO SHUTTLE PLACE SHY
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with