Misis tinodas ni utol

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City — Isang mi­sis ang nasawi at dalawa pa ang malubhang nasuga­tan matapos pagtatagain ng kanilang sariling kapatid nang magkaroon ng isang mainitang pagtatalo kama­kalawa ng hapon sa Sitio Matanlang, Barangay Ta­wid, Paracale,  Camari­nes Norte.

Nakilala ang nasawi na si Melinda Pantua,  32 , may asawa, samantalang ang mga nasugatan na kaagad naman isinugod sa Cama­rines Norte Provincial Hospital ay sina Felo­mina Pan­tua, 60, may asa­wa at Nes­tor Pantua, 51, may asawa at pawang mga residente ng naturang lugar.

Agad namang nadakip ng pulisya ang suspek na si Isagani Pantua, 49, may asawa at residente ng na­tu­rang lugar.

Sinasabing umiinom ng alak ang suspek nang ma­kasagutan niya ang  mga biktima hanggang pag­tatagain niya ang mga ito.

Show comments