2 dedo sa road mishap

CAVITE – Dalawa-katao ang iniulat na nasawi sa naganap na magkahiwalay na sakuna sa Cavite kamakalawa ng gabi. Kabilang sa mga biktimang namatay ay sina Rowena Manalo, 18, ng Brgy. Halayhay, Tanza at Berto Crook na pinaniniwalaang may kapansanan sa pag-iisip.

Sa ulat ng pulisya, si Manalo ay nasalpok ng pampasaherong jeepney (DXA-344) ni Jonathan Angue sa kahabaan ng Soriano Highway sa Barangay Halayhay, Tanza, Cavite.

Sumuko naman si Angue, 32, ng Maragondong, Cavite, matapos ang sakuna. Samantala, si Crook na sinalpok ng ‘di-nabatid na sasakyan sa kalsadang sakop ng Barangay Kaytitinga sa bayan ng Indang, Cavite. (Cristina Timbang)

Show comments