Misis bistado sa text

Dahil sa text messages, nabuking ang pagtataksil ng isang misis ng kanyang mister sa Barangay Dayao,  Roxas City, Capiz kamakalawa. Batay sa ulat na naka­rating sa Camp Crame,  na­gising ang 45 anyos na mister na tinukoy lamang sa pa­ngalang Roberto nang biglang mag-vibrate ang celfone ng ka­niyang asawang si Jona. Agad na kinuha ni Roberto ang celfone na may text messages mula sa kanilang kapitbahay na nagyaya sa kanyang misis na mag­kita sa tagpuan. Nagising naman si Jona kung saan nag-agawan pa ang mag-asawa  sa celfone kaya mahulog ang mga ito sa kama. Nag-alburuto ang mister kung saan  nagmamadaling umalis naman ang kaniyang misis na posibleng makikipagkita sa ka-text nitong lover. Dahil dito, napilitang magreklamo sa pulisya si Roberto at kasalukuyang pinag-aaralan na ng Women and Children Complaint Section (WCCS) ng Roxas City PNP ang karampatang aksyon upang hindi na lumala pa ang problema ng mag-asawa.  Joy Cantos

Show comments