3 pulis tinambangan

ILOILO CITY – Isang grupo ng mga pulis na ru­meresponde sa isang ka­guluhan ang tinambangan ng mga hinihinalang re­bel­deng Revolutionary Proletarian Army sa Ba­rangay Pa­tong-Patong, bayan ng Ja­niuay  kamakalawa ng gabi.

Namatay sa pananam­bang si Police Officer 3 Gil­don Sullivan. Bahag­yang nasugatan sina Police officers Francis Gabiano at Jo­nathan Limas. 

Rumeresponde ang mga biktima sa isang rek­lamo na nanggugulo sa naturang lu­gar ang ilang lasing na re­belde nang tambangan sila. (Ronilo Ladrido Pamonag)

Show comments