^

Probinsiya

14 todas sa highway tragedy

- Nina Malu Manar at Joy Cantos -

KIDAPAWAN CITY – Tra­hedya ang sumalubong sa labing-apat na sibilyang na­sawi, kabilang na ang apat na bata habang aabot naman sa 20 iba pa ang malubhang na­sugatan makaraang sumalpok ang pampasaherong jeepney sa kasalubong na truck sa Cotabato-Bukidnon Highway sa bayan ng Carmen, North Cotabato kahapon ng umaga.

Kabilang sa mga na­matay ay ang drayber ng Lawin jeepney na si Allan Balono, mga pasaherong sina Moka­ mad Saidola, Gimas Saidola, Lugaya Matalam, Kutog Amil Sapal, Lubaida Balaba­gan, Bai Naut Sapal, Um­bay Musta­pha, Tong Um­badil, Na­nogod Guimba at ang apat na pansaman­talang ‘di-pa naki­kilalang mga bata.  

Ginagamot naman sa Kabacan Polymedic Hospital ang ilang sugatang sina Manny Salilama Mamin­teng, 46; Norodin Ka­san,19; Nasser Alipio Ta­lintan, Mustapha Nano, 42; at si Kisay Sapal.

Karamihan sa mga pa­sahero ay residente ng mga Barangay  Kilangan at Pa­langgalang sa nabanggit na bayan.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Lester Camba, hepe ng North Cotabato PNP, ang insidente ay naganap da­kong alas-10 ng umaga sa highway na sakop ng Barangay  General Luna.

Ayon sa imbestigasyon, patungo sana sa pantalan ng Parang,  Maguindanao ang mga biktimang sakay ng pampasaherong jeep­ney (DTW-743) para sun­duin ang kamag-anak mula sa Gitnang Silangan (Sau­di) na nagtra­baho bilang domestic helper nang maganap ang trahedya.

Gayon pa man, habang bumabagtas sa highway ay tinangka ng drayber ng jeep­ney na mag-overtake sa Isuzu forward pero kinapos ito at sumalpok sa kasalubong na 10-wheeler truck  (RFM-365) na loaded naman ng 300 sako ng semento.

Boluntaryo namang su­muko sa pulisya ang dray­ber ng truck na si Gerry Delos Reyes, 38, ng Libu­ngan, North Cotabato.

Itinanggi ni Delos Reyes na may kasalanan siya sa na­ganap na sakuna at na­ngatu­wirang siya ang binang­ga at hindi siya ang naka­bangga.

ALLAN BALONO BAI NAUT SAPAL COTABATO-BUKIDNON HIGHWAY DELOS REYES GENERAL LUNA NORTH COTABATO SHY
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with