^

Probinsiya

Totoy pinalakol ng ama dahil sa gutom

- Joy Cantos -

Pinaniniwalaang matinding gutom at pagpupuyat sa loob ng tatlong araw ang nag­­tulak sa isang ama matapos nitong pala­kulin hanggang sa mapatay ang kaniyang walong taong gulang  na anak na lalaki sa Dumarao, Capiz kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si  Rolben Padernal, grade 2 pupil at residente ng  Sitio Agnalipay, Barangay  Agsirab, Dumarao.

Arestado naman ang suspek na si Ruben Padernal, 36, na nahaharap sa kasong parricide sa piskalya ng lalawigan.

Batay sa ulat ng Capiz Provincial Police Office, naganap ang insidente dakong alas- 11:30 ng tanghali sa loob ng tahanan ng mag-ama.

Nagalit umano ang suspek nang tanghali na nang makauwi ang anak matapos itong utusang mangahoy sa kagubatan.

Sinita umano ng suspek ang bata at nang mangatwiran ito ay agad niya itong hinataw ng palakol sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Wala namang nangahas na tumulong sa bata dahil na rin sa pananakot ng suspect na papatayin din ang kanilang mga kapit­bahay kapag nakialam.

Nang rumesponde ang mga alagad ng batas ay naabutan ng mga ito ang suspek na naghuhukay sa likuran ng kanilang taha­nan  upang ilibing ang bangkay ng anak.

Nakuha mula sa suspect ang  palakol na  ginamit nito sa pagpaslang sa sariling anak.

Napag-alaman na ang suspek ay  du­maranas ng nervous breakdown dahil sa hindi nito pagtulog at pagkain sa loob ng tatlong araw at alipin din umano ito ng depresyon dahil sa pagkamatay ng isang kaanak nito.

vuukle comment

CAPIZ PROVINCIAL POLICE OFFICE

DUMARAO

ROLBEN PADERNAL

RUBEN PADERNAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with