^

Probinsiya

JI bomb attack nasilat

- Nina Malu Manar at Joy Cantos -

KIDAPAWAN CITY – Naagapan ang isa na namang matinding pag­sabog sa bahagi ng Region 12  makaraang madiskubre ang isang itim na bag na nagla­laman ng tatlong bala ng mortar na may timing device malapit sa plaza ng Tacurong City, Sultan Kudarat kaha­pon ng umaga.

Sa ulat ni P/Supt. Joel Limson na isinu­mite kay P/Chief Supt. Felizardo Serapio Jr., ang bomba na naka­kabit sa digital clock ay itinanim sa ilalim ng punongkahoy malapit sa stall ng ukay-ukay sa may JC Avenue.  

Natagpuan ito ni Julian Decolongon, isang helper sa ukay-ukay stall na pag-aari ni Joselito Baylon ng Barangay New Isabela, Tacurong City.

Sinasabing ang bomba ay nakatak­dang sumabog sa pa­gitan ng alas-8 hang­gang 9 ng umaga na itinaon sa selebrasyon ng Market Day ng Tacurong  City kaha­pon.

May teorya ang mga awtoridad na mga teroristang Jemaah Islamiyah ang nasa likod ng tangkang pag­papasa­bog at ito ang pangat­long bomb attempt sa Central Min­da­nao si­mula nang maganap ang malakas na pag­sabog sa Kida­pa­wan City noong Oktubre 5.

Ayon sa isang Army intelligence officer, ang bomba na natagpuan sa Tacurong City ay  katulad lang ng mga bombang pinasabog sa public market sa bayan ng Pikit, North Cotabato noong Ok­tubre 6 at sa isang restaurant sa bayan ng  M’Lang, North Cota­bato noong Oktubre 14.

BARANGAY NEW ISABELA CENTRAL MIN CHIEF SUPT FELIZARDO SERAPIO JR. JEMAAH ISLAMIYAH SHY TACURONG CITY
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with