2 katao timbog sa droga

CAVITE – Dalawang sibilyan kabilang na nanuhol sa pulis para makalaya sa kasong droga ang dinakip ng mga alagad ng batas sa bayan ng Dasmariñas, Cavite kahapon. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Jocelyn Lacbayo, 40, ng Barangay San Agustin 1 at si Roberto "Botchok" Andrada, 30, sekyu at residente ng Barangay San Miguel, Dasmariñas, Cavite. Ayon kay P/Supt Mario Reyes, nasakote si Lacbayo sa isinagawang drug bust at nakumpiskahan ng 30 plastic sachets ng shabu. Napag-alamang sinuhulan ng P10,000 ni Andrada ang mga pulis na nakahuli kay Lacbayo para makalaya kaya maging siya ay dinakma at sinampahann ng kaukulang kaso. (Cristina Timbang)

Show comments