^

Probinsiya

Misis inatado ng ka-live-in

-
KORONADAL CITY — Naaktuhang nakikipaghalikan sa ibang lalaki kaya nagawang pagtatagain at malubhang nasugatan ang isang 36-anyos na misis ng kanyang live-in partner sa Barangay Apopong, General Santos City kamakalawa.

Labinlimang sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan na dulot ng matalim na itak kaya nakikipaglaban kay kamatayan ang biktimang si Sophia Corsado na pinaniniwalaang may ibang karelasyong lalaki bukod sa suspek na si Jose Carino, 56, na sumuko naman sa opisyal ng PNP Regional Mobile Group ilang minuto matapos ang krimen. Naliligo sa sariling dugo nang matagpuan ang biktima sa loob ng kanilang tahanan sa nabanggit na barangay at ngayon ay inoobserbahan sa General Santos City District Hospital.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, nagselos ang suspek sa biktima dahil sa awiting "Ang tigulan (The old man)," popular na awiting Visaya na may kaugnayan sa sexual incapacity ng isang matandang lalaki.

Itinanggi naman ng suspek ang akusasyon ng pulisya, nagsabing naaktuhan niya ang biktima sa ilalim ng kanilang bahay na nakikipaghalikan sa kaibigang si Dodong.

Dahil sa nakitang kataksilan ng biktima ay mabilis na tinungo ng suspek ang kusina ng kanilang bahay bago kinuha ang matalim na itak at isinagawa ang krimen.

Hindi naman pinagsisihan ng suspek ang nagawang krimen laban sa kanyang live-in partner at ginusto pang makulong kaysa makita ang kataksilan ng biktima. (Ramil Bajo)

vuukle comment

BARANGAY APOPONG

DAHIL

DODONG

GENERAL SANTOS CITY

GENERAL SANTOS CITY DISTRICT HOSPITAL

ITINANGGI

JOSE CARINO

RAMIL BAJO

REGIONAL MOBILE GROUP

SOPHIA CORSADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with