Pulis tinumba ng sindikato

CABANATUAN CITY – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng dalawang hindi kilalang armadong lalaki ang isang pulis na miyembro ng provincial crime lab sa naganap na karahasan sa kahabaan ng Maharlika Highway na sakop ng Barangay Bakal 2, Talavera, Nueva Ecija noong Huwebes ng umaga.

Ayon kay P/Senior Supt. Alex Paul Monteagudo, police provincial director, nag-aabang ng masasakyan ang biktimang si PO2 Elito Cuchapin, 32, ng Barangay San Felipe, Muñoz Science City nang tambangan ng mga maskaradong suspek sakay ng motorsiklo. May teorya ang pulisya na sindikatong kriminal ang pumaslang sa biktima. (Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments