^

Probinsiya

Shootout: 2 holdaper bulagta

-
ANTIPOLO CITY – Winakasan ni kamatayan ang masamang balak ng dalawang kalalakihan holdaper makaraang mapatay sa shootout laban sa mga operatiba ng pulisya sa Barangay Sta. Cruz, Antipolo City kahapon ng madaling-araw.

Kasalukuyang bineberipika ang pagkikilanlan ng dalawang napatay na nakumpiskahan ng baril, granada at motorsiklong ginagamit.

Ayon kay P/Senior Supt. Freddie Panen, Rizal provincial director, bandang alas-4:50 ng madaling-araw nang mamataan ng mga pulis ang dalawa na nakaistambay sakay ng motorsiklo sa panulukan ng Masinag Street sa kahabaan ng Marcos Highway.

Dahil sa kahina-hinalang kilos ay tinangkang lapitan ng pulisya na sakay ng mobile patrol, subalit hindi pa masyadong nakakalapit sa motorsiklo ay agad na pinaputukan ang kanilang sasakyan ng isa sa mga suspek bago mabilis na tumakas.

Hindi naman nakahabol ang mobile car kaya agad na rumadyo sa mga istasyon ng pulisya upang masukol ang dalawa.

Kaagad namang namataan ng pulisya ang dalawa na sakay ng motorsiklo na pumasok sa Blue Mountains Subdivision sa nabanggit na barangay hanggang sa masundan at makipagbarilan. (Edwin Balasa)

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

AYON

BARANGAY STA

BLUE MOUNTAINS SUBDIVISION

CRUZ

EDWIN BALASA

FREDDIE PANEN

MARCOS HIGHWAY

MASINAG STREET

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with