^

Probinsiya

Pulis binoga ng utol na parak

-
CAMP CRAME – Bagsak kalaboso ang isang bagitong pulis matapos nitong mabaril ang nakatatandang kapatid na isa ring parak matapos ang mainitang pagtatalo sa Brgy. Aguit-Itan Calbayog City, Samar kamakalawa.

Kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon ang biktima na si PO2 Narciso Senario, nakatalaga sa Calbayog Police dahil sa tinamong tama ng bala sa kanang bahagi ng ulo.

Boluntaryo namang sumuko sa mga nagrespondeng tauhan ng Speical Weapon’s and Tactics (SWAT) ng Calbayog Police ang suspek na si PO1 Jose Jay Senario, miyembro ng San Jorge Municipal Police Station ng San Jorge, Samar.

Sa report ng Police Regional Office (PRO) 8, dakong alas-10:15 ng gabi habang nasa tahanan nila ang biktima at suspek nang magkainitan ang mga ito. Napikon ang suspek nang bulyawan siya ng kanyang kuya kaya nagpanting ang tenga nito at binaril nito ng kanyang Taurus cal. 45 pistol. (Joy Cantos)

vuukle comment

AGUIT-ITAN CALBAYOG CITY

CALBAYOG POLICE

JOSE JAY SENARIO

JOY CANTOS

NARCISO SENARIO

POLICE REGIONAL OFFICE

SAMAR

SAN JORGE

SAN JORGE MUNICIPAL POLICE STATION

SPEICAL WEAPON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with