Broker tinodas sa tong-itan

CAMP OLIVAS, Pampanga – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 49-anyos na mestisahing real state broker ng mga hindi kilalang kalalakihan habang ang biktima ay naglalaro ng tong-it sa bahagi ng Barangay Burgos Saur sa Angeles City, Pampanga kamakalawa. Kasalukuyang inaalam ng pulisya ang tunay na motibo sa pamamaslang sa biktimang si Victoria Medina ng Barangay Lourdes Sur ng nabanggit na lungsod. May teorya ang pulisya na may kaugnayan ang krimen sa pagiging real state broker ng biktima. (Resty Salvador)

Show comments