^

Probinsiya

Police capt., 1 pa timbog sa pot session

-
CAMP CRAME – Isang police captain at isa pang rookie cop ang kalaboso kasama pa ang lima katao matapos maaktuhan umano ng pulisya na nagpa-pot session sa isang mini hotel sa Olongapo City.

Nahaharap sa kasong administratibo at kriminal ang mga pulis na sina Sr. Insp. Neil Trumpeta at PO3 Paul Telespara, pawang nakatalaga sa 21st Battalion ng Special Action Force (SAF). Kabilang sa mga nasakote ay sina Architect Larry Lewis Adamos, 37; Lena Que, 28; Jacquelyn Calinog, 19 at Althea Cortez, 18-anyos.

Sa ulat, bandang alas-5 ng hapon nang salakayin ng mga elemento ng Drug Enforcement Group ng Olongapo City Police ang Room #3 sa Ocean View Beach and Hotel na matatagpuan sa Brgy. Kalaklan ng nasabing lungsod matapos makatanggap ng impormasyon na may nagaganap na pot session dito.

Nauna rito, isang Julius Que, 28, ang nasakote sa buy-bust operation sa 13th Gordon Ave., Pag-asa, Olongapo City hanggang sa magsagawa ng follow-up operation ang pulisya laban sa mga suspek sa naturang hotel. Nasamsam mula sa mga suspek ang isang cal .45 pistol na may tatlong magazine na puno ng bala na nakaisyu kay Trumpeta, isang cal. 45 Norinco na may dalawa ring magazine mula naman kay Telespara, dalawang improvised glass tube burner, tatlong sachet ng shabu at mga drug paraphernalia. (Joy Cantos)

vuukle comment

ALTHEA CORTEZ

ARCHITECT LARRY LEWIS ADAMOS

DRUG ENFORCEMENT GROUP

GORDON AVE

JACQUELYN CALINOG

JOY CANTOS

JULIUS QUE

LENA QUE

NEIL TRUMPETA

OLONGAPO CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with