2 suspek sa serial rape case, tiklo

BULACAN – Dalawa sa apat na kalalakihan na pinaniniwalaang pangunahing suspek sa serye ng panghahalay sa mga kababaihan sa Bulacan ang dinakip ng mga tauhan ng pulisya sa isinagawang operasyon sa Barangay Poblacion, Bustos, Bulacan kamakalawa. Sumasailalim na sa imbestigasyon ang mga suspek na sina Renato Enoc, 29 at Leonardo dela Cruz, 41. Ayon kay P/Chief Inspector Sabino Vengco III, hepe ng pulisya sa bayan ng Bustos, ang mga suspek ay gumagamit ng traysikel na walang plaka sa kanilang modus operandi. Napag-alamang nagkukunwaring mamasada ng traysikel ang mga suspek at kapag may naisakay na babae ay dadalhin sa liblib na lugar bago isasagawa ang maitim na balak. (Efren Alcantara)

Show comments