^

Probinsiya

Mangingisda sinalvage, tinapon sa dagat

-
CAVITE – Isang mangingisda ang nakitang lumulutang na lamang sa dagat at tadtad ng bala ng baril sa ulo at leeg, kamakalawa ng hapon sa Bacoor Bay, Longos Barangay Zapote 5, Bacoor.

Kinilala ni Chief Insp. Rommel Marbil hepe rito ang biktima na si Dionisio De Los Reyes, 46, may-asawa at residente ng Brgy. Wawa, Longos ng nasabing lugar.

Batay sa imbestigasyon ni PO2 Dominador Logon dakong alas-3 ng hapon habang naghihintay ang asawa ng biktima sa tabing dagat ay nakita nitong may lumulutang na bangkay kaya’t agad niya itong inereport kay Barangay Captain Oscar Francisco at dito lamang nito nakilalang ito ang kanyang hinihintay na asawa.

Masusing imbestigasyon naman ang isinasagawa ng mga awtoridad sa krimen na hinihinalang posibleng napagkamalang magnanakaw ng tahong ang biktima kaya’t pinagbabaril ito. (Cristina G. Timbang)

vuukle comment

BACOOR

BACOOR BAY

BARANGAY CAPTAIN OSCAR FRANCISCO

BATAY

CHIEF INSP

CRISTINA G

DIONISIO DE LOS REYES

DOMINADOR LOGON

LONGOS BARANGAY ZAPOTE

ROMMEL MARBIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with