^

Probinsiya

3-katao niratrat; 1 patay

-
CAVITE — Isang 27-anyos na lalaki ang iniulat na nasawi habang dalawa pa nitong kaibigan ang malubhang nasugatan makaraang ratratin ng mga hindi kilalang kalalakihan sa bahagi ng Barangay Sampaloc 1, Dasmariñas, Cavite kahapon ng madaling-araw. Napuruhan sa dibdib ang namatay na biktimang si Rhoederick Uy, samantalang sina Jesper Alvaran, 23; at Adrian Barbuco, 23 ay tinamaan ng bala ng baril sa likuran at ulo. Ayon kay PO3 Edgar Belza, magkasamang nag-iinuman ng alak ang tatlong biktima sa tindahan na pag-aari ni Rolando Ignacio nang lapitan ng mga armadong kalalakihan. Walang kaabug-abog na pinaputukan ng baril ang mga biktima hanggang sa magkakasunod na bumulagta. May posibilidad na pinagtripan ng grupo ng suspek ang mga biktima, ayon sa pulisya. (Cristina Timbang)
Paslit nahulog sa ilog
CAMP SIMEON OLA , Legazpi City – Maagang sinalubong ni kamatayan ang isang 3-anyos na lalaki makaraang madulas at mahulog sa ilog habang naglalaro kamakalawa ng hapon sa Barangay San Roque sa bayan ng Poblacion, Bula, Camarines Sur. Kasalukuyan pang hinahanap ng mga search and rescue team ang nawawalang biktimang si John Carm Vidandor matapos na tangayin ng tubig-ilog. Sa ulat ng pulisya, huling namataan ang biktima na naglalaro sa gilid ng ilog malapit sa kanilang bahay. Ipinagbigay-alam na ng mga awtoridad sa ibang opisyal ng barangay sa kalapit bayan na matyagan ang bahagi ng ilog na posibleng inanod ang bangkay ng biktima. (Ed Casulla)

vuukle comment

ADRIAN BARBUCO

BARANGAY SAMPALOC

BARANGAY SAN ROQUE

CAMARINES SUR

CRISTINA TIMBANG

ED CASULLA

EDGAR BELZA

JESPER ALVARAN

JOHN CARM VIDANDOR

LEGAZPI CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with