^

Probinsiya

Indian trader itinumba, bata sugatan

-
Camp Crame – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang negosyanteng Bombay ng dalawang ‘di pa nakilalang dalawang armadong salarin na nagresulta rin sa pagkasugat ng isang 5 anyos na batang babae sa harapan ng isang subdibisyon sa Sorsogon City, Sorsogon kamakalawa.

Dead-on-the-spot sa insidente ang biktimang kinilalang si Jaswah "Lucky" Singh, 46-anyos, negosyante at residente ng Catmot St., SPPVS Bibincahan, Sorsogon City.

Kinilala naman ang batang biktima na si Irish Gabrentina, kindergarten pupil sa Galver Institute of Technology.

Sa report, dakong alas- 5:30 ng hapon nang pagbabarilin ng mga suspek si Singh sa harapan ng Executive Village sa Brgy. Tugos ng nasabing lungsod.

Ayon sa imbestigasyon, kasalukuyang pasakay sa kaniyang sasakyan ang biktima nang lapitan at pagbabarilin ng mga suspek na mabilis ring nagsitakas matapos mapaslang ang target kung saan nahagip ng ligaw na bala ang batang babae.

Narekober ng mga nagrespondeng operatiba ng pulisya sa lugar ang mga basyo ng bala ng cal .45 pistol habang inaalam pa ang motibo ng krimen. (Joy Cantos )

vuukle comment

AYON

BIBINCAHAN

BRGY

CAMP CRAME

CATMOT ST.

EXECUTIVE VILLAGE

GALVER INSTITUTE OF TECHNOLOGY

IRISH GABRENTINA

JOY CANTOS

SORSOGON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with