^

Probinsiya

Engineer tinambangan, patay

-
KAMPO SIMEON OLA, Legazpi City Isang engineer na bayaw ng isang police deputy provincial director ang nasawi matapos na tambangan at pagbabarilin ng ’di-nakikilalang suspek habang sakay sa kanyang Pajero ang una kamakalawa ng gabi sa Magsaysay Ave. Naga City.

Nakilala ang biktima na si Engr. Wilfredo de Leon, 50, may-asawa, ng Enrile Subd., Brgy. Concepcion Pequena, ng nasabing lungsod at umano’y bayaw ni P/Supt. Raul Hebreo, deputy provincial director ng Camarines Sur Provincial Police Office.

Ang biktima ay idineklarang dead-on-arrival sa Mother Seton Hospital, ng bayang nabanggit bunga ng apat na tama ng punglo sa leeg.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente, dakong alas-11:40 ng gabi habang sakay ang biktima ng kanyang Mitsubishi Pajero na may plate no. XCG-474 nang bigla na lamang lapitan ng nag-iisang suspek na armado ng kalibre 9mm pistola at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima

Nauna rito, nakipag-usap umano ang biktima sa dalawang engineer ng DPWH sa isang bar kung saan ang mga ito ay nag-inuman ng beer dahil sa umano’y pag-turn over ng isang proyekto sa Sanggay-Tiwi Road.

Ilang saglit ay natapos ang kanilang inuman hanggang sa magpasya ang biktima na umuwi na. Kasasakay lamang umano nito sa kanyang pajero nang biglang lapitan ng suspek at pagbabarilin na kaswal na lumakad papalayo sa lugar na kung saan naghihintay ang isang motorsiklo na sinakyan nito sa kanyang pagtakas.

Hindi pa mabatid ng mga awtoridad kung ano ang motibo ng suspek upang paslangin ang biktima.

Ang driver ng biktima ay papasakay pa lamang nang pagbabarilin ng suspek ang biktima na papauwi na sana sa kanilang bahay.

Sa kasalukuyan, isang masusing imbestigasyon ang isinasagawa ng mga awtoridad ukol dito. (Ed Casulla)

vuukle comment

BIKTIMA

CAMARINES SUR PROVINCIAL POLICE OFFICE

CONCEPCION PEQUENA

ED CASULLA

ENRILE SUBD

LEGAZPI CITY

MAGSAYSAY AVE

MITSUBISHI PAJERO

MOTHER SETON HOSPITAL

NAGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with