Councilor ng Ilocos nilikida

BAGUIO CITY – Binaril at napatay ang isang 32-anyos na municipal councilor ng hindi kilalang lalaki habang ang biktima ay nakatayo mapalit sa pag-aaring gasoline station na sakop ng Barangay Orence sa bayan ng Bantay, Ilocos Sur noong Martes ng gabi (July19). Napuruhan sa likurang bahagi ng katawan at idineklarang patay sa Central Ilocos Sur District Hospital ang biktimang si Councilor Criselda Feria Bondoc ng Barangay Cabalengegan ng nabanggit na bayan. Ayon kay P/Senior Insp. Orly Pagaduan, hepe ng pulisya sa bayan ng Narvacan, bandang alas-siyete y medya nang lapitan at barilin ng hindi kilalang lalaki ang biktimang nakatalikod bago tumakas sakay ng motorsiklo. (Ulat ni Artemio Dumlao)

Show comments