Drayber dinedo ng 3 holdaper

CABANATUAN CITY– Isang 28-anyos na trike drayber ang pinagtulungan gulpihin at saksakin ng tatlong holdaper kabilang na ang dalawang tomboy sa Barangay Pagas sa lungsod na ito kamakalawa. Ang biktimang natangayan ng kinita sa pamamasada ay nakilalang si Julius M. Rodavia ng Barangay M.S. Garcia, samantalang isinuko naman ng ina ang isa sa suspek na si Raquel E. Villa, 18, ng Barangay Kaikid Norte.

Tinutugis naman ng pulisya ang dalawa na sina Joana Marie delos Reyes ng Brgy. Patalac at isang alyas na Michael, 29, ng San Miguel, Bulacan. Ayon kay P/Supt. Antonio Tanchoco, hepe ng pulisya, bago pa mamatay ang biktima ay nasambit nito ang mga pangalan ng suspek kaya agad na natukoy. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments