^

Probinsiya

Pulis tinodas habang naghahapunan

-
KAMPO SIMEON OLA, Legazpi City – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang kagawad ng pulisya ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) habang ang biktima ay naghahapunan kasama ang kanyang misis sa sariling bahay sa Barangay Pangpang, Sorsogon City kamakalawa ng gabi.

Agad na namatay ang biktimang si SPO4 Eduardo Lotino, 55, nakatalaga sa himpilan ng pulisya sa Sorsogon City at residente ng Our Lady’s Village ng nabanggit na barangay.

Base sa ulat, bandang alas-7:30 ng gabi, magkasamang naghahapunan ang mag-asawa sa loob ng kanilang bahay at masayang naghuhuntahan.

Ayon sa salaysay ng asawa, biglang umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril mula sa labas ng bintana at tumilansik ang dugo sa mukha ng babae na kaharap ng biktima.

Agad na bumulagta sa sahig ang biktima na tinadtad ng tama ng bala ng malakas na kalibre ng baril.

Wala pang malinaw na motibo sa naganap na krimen, subalit may teorya ang pulisya na isa ang biktima sa inihahasik na karahasan ng mga rebelde. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

AYON

BARANGAY PANGPANG

ED CASULLA

EDUARDO LOTINO

LEGAZPI CITY

NEW PEOPLE

OUR LADY

PINAGBABARIL

SORSOGON CITY

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with