Granada nilaro ng may topak; 2 patay
December 31, 2003 | 12:00am
CAMP CRAME Dalawa-katao ang namatay kabilang ang isang baliw na naglaro ng granadang sumabog habang dalawa pa ang nasugatan sa naganap na madugong insidente sa Alimodian, Iloilo kamakalawa.
Kabilang sa nasawi sina Leonardo Borbon, 49, ng Brgy. Ulodan, Alimodian, may diperensiya sa pag-iisip at si Manuelio Aguaras, 40.
Si Borbon ay agad nasawi matapos masapul sa ibat ibang bahagi ng katawan habang si Aguaras ay idineklarang patay sa Aleosan District Hospital.
Ang dalawang nasugatan ay nakilala namang sina Jay Anduloy at Ronel Capilitan, pawang 19 taong gulang, at naninirahan sa Brgy. Durog, Leon.
Base sa imbestigasyon, dakong alas-2:20 ng hapon nang maganap ang pagsabog ng granada na pinaglaruan ng nagwawalang baliw na si Borbon sa Beauty Parlor ni Aguaras, Alimodian Public Market, Iloilo.
Nabatid na nagpumilit pumasok sa nasabing parlor si Borbon na may hawak na granada subalit pinalabas at pinagsarhan ito ni Aguaras.
Bunga nito ay nagalit si Borbon at pinagsisipa ang pintuan ng parlor hanggang sa mabitiwan nito ang granada at sumabog na ikinasawi nito at ng naturang sibilyan habang dalawa pa ang nasugatan. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended