^

Probinsiya

3 Sayyaf patay sa labanan

-
CAMP AGUINALDO – Tatlong miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang napaslang matapos na muling sumiklab ang sagupaan laban sa tropa ng militar sa liblib na bahagi ng Maimbung, Sulu kamakalawa ng hapon.

Sa phone interview, sinabi ni 104rth Brigade Commander Col. Alexander Yapching, base sa intelligence report ay tatlo ang napatay na bandido pero di narekober ang bangkay ng mga ito matapos tangayin ng mga nagsitakas nilang kasamahan.

Ayon kay Yapching dakong ala-1:30 ng hapon nang makasagupa ng mga elemento ng 53rd Infantry Battalion (IB) ang mga bandido sa bahagi ng kagubatan ng Brgy. Bualo Lahi, Maimbung, Sulu.

Idinagdag pa ni Yapching na ang engkuwentro ay tumagal ng 1 oras at bahagi ng pursuit operations matapos masagip ng mga sundalo ang dinukot na dentista na si Dr. Romeo Lao at pamangkin nitong si Amor Rubio kamakailan.

Napilitan naman ang mga bandido na magsiatras sa sagupaan bitbit ang mga napatay nilang kasamahan.

Narekober sa kinaganapan ng engkuwentro ay tatlong M16 rifles na pinaniniwalaang pag-aari ng mga nasawing bandido. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

ALEXANDER YAPCHING

AMOR RUBIO

BRIGADE COMMANDER COL

BUALO LAHI

DR. ROMEO LAO

INFANTRY BATTALION

JOY CANTOS

MAIMBUNG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with