^

Probinsiya

Duwelo: Pulis todas,jailguard grabe

-
CAMP CRAME – Nakipagbarilan hanggang sa mapatay ang isang kagawad ng pulisya laban sa nakagalit na guwardiya ng bilangguan matapos na magsalubong sa bisinidad ng Barangay San Jose Sico, Batangas City kamakalawa.

Idineklarang patay sa Jesus of Nazareth Hospital ang nasawing pulis na si SPO4 Andy Ilagan, 46, ng Traffic Management Group sa Camp Vicente Lim, Calamba City, Laguna at residente ng Barangay Kumintang Ilaya, Batangas City.

Inoobserbahan naman sa Batangas Regional Hospital si SJO2 Fernando Perez, 33, ng Batangas district jail ng Bagong Silang, Barangay San Jose Sico.

Base sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, naitala ang duwelo bandang alas-5:40 ng hapon matapos na magsalubong ang magkagalit sa naturang lugar.

Bago pa magkabarilan, ang dalawa ay nagkaroon muna ng mainitang pagtatalo hanggang sa magbunutan ng baril.

Agad na nagresponde ang mga kagawad ng pulisya kabilang na si P/Insp. Mario Bolea sa kinaganapan ng pangyayari kaya naisugod sa ospital ang dalawa pero si Ilagan ay hindi na umabot pa ng buhay dahil sa tatlong tama ng bala ng baril sa katawan. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ANDY ILAGAN

BAGONG SILANG

BARANGAY KUMINTANG ILAYA

BARANGAY SAN JOSE SICO

BATANGAS CITY

BATANGAS REGIONAL HOSPITAL

CALAMBA CITY

CAMP CRAME

CAMP VICENTE LIM

FERNANDO PEREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with