Totoy patay sa hit and run

IRIGA CITY – Isang 15-anyos na lalaki ang nasawi matapos bundulin ng isang truck habang siya ay nagbibisikleta kamakalawa ng gabi sa lungsod na ito.

Ang biktima ay nakilalang si Ronnie Reyes, estudyante at nakatira sa Zone 6 Barangay San Francisco ng nasabing lungsod.

Batay sa ulat, bandang alas-6 ng gabi habang nagbibisikleta ang biktima sa kahabaan ng Tarusanan road nang bigla itong bundulin ng truck.

Tumilapon ang biktima mula sa kanyang bisikleta habang mabilis na tumakas ang truck pagkatapos ng aksidente.

Dinala ang biktima sa Lourdes Hospital subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Nagsasagawa ng follow-up operations ang mga awtoridad upang mahuli ang truck driver. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments