^

Probinsiya

Dalagita na bumili ng pang-noche buena natagpuang patay

-
LABO, Camarines Norte – Malungkot ang pagidiriwang ng Pasko ng isang pamilya matapos mabalitaang ginahasa at pinatay ang kanilang 14-anyos na dalagita na naganap sa Purok 6, Brgy. Dallas, kamakalawa ng gabi sa bayang ito.

Ang biktima ay nakilalang si Mary Pol Del Valle, grade V pupil ng Labo Central Elementary School at residente ng nasabing barangay.

Kaagad namang nadakip kahapon ang dalawang suspek na sina Noel Marquez, 19 at Rodrigo Rafer, 21 kapwa kapitbahay ng biktima.

Batay sa ina ng biktima na si Nimfa, dakong alas-5 ng hapon nang kanyang utusan ang anak na bumili ng pagkain sa tindahan para pagsaluhan sa Pasko.

Subalit inabot ng gabi ay hindi pa bumabalik ang biktima hanggang sa dumating sa kanilang bahay ang isang barangay kagawad at ibinalita ang tungkol sa kanyang anak na natagpuang hubo’t hubad at wala ng buhay.

Lumalabas sa awtopsiya ni Dr. Marcelito Abas na ang biktima ay positibong ginahasa at pinagpapalo ng matigas na bagay at sinaksak ng ice pick ang kaliwang dibdib. (Ulat ni Francis Elevado)

vuukle comment

BATAY

BRGY

CAMARINES NORTE

DR. MARCELITO ABAS

FRANCIS ELEVADO

LABO CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL

MARY POL DEL VALLE

NOEL MARQUEZ

PASKO

RODRIGO RAFER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with