2 tigok, 22 grabe sa road mishap

SUBIC BAY FREEPORT – Dalawa katao ang iniulat na natigok, samantala, dalawampu’t dalawang kawani ng Social Security System (SSS) ang malubhang nasugatan makaraang bumaligtad ang truck sa Tarlac Road, panulukan ng Argonaut Highway kahapon.

Kinilala ng pulisya ang mga biktimang nasawi na sina Danilo Vallejo, driver at Visitacion Sakdalan na kapwa residente ng Morong, Bataan.

Samantala, ang mga nasa kritikal na kondisyon na inaalam pa ang mga pangalan ay kasalukuyang nasa James L. Gordon Memorial Hospital.

Sa inisyal na ulat, lumalabas na naganap ang aksidente dakong alas-4:30 ng hapon makaraang mawalan ng kontrol ang minamanehong truck (SFC-432)ni Vallejo bago sumalpok sa gilid ng kalsada at bumaligtad. (Ulat ni Jeff Tombado)

Show comments