^

Probinsiya

Blackout sa Pampanga nakaamba

-
SAN FERNANDO, Pampanga Anim na bayan sa lalawigang ito ang napipintong makaranas ng malawakang blackout kung uupuan lamang ni National Electrification Administration chief Fr. Francisco Silva ang isinampang graft case laban sa general manager ng Pampanga Electric Cooperative 1 (Pelco 1).

Apat na board members ng Pelco 1 ang naghain ng reklamo laban kay Pelco 1 Engr. Loliano Allas ng graft and corruption matapos illegal na gamitin nito ang P3 milyong pondo ng kooperatiba ng walang pahintulot ng board.

Sinabi nina Pelco 1 board members Venancio Macapagal, Ruben Pineda, Romulo Miranda at Albert Franco na pumasok sa isang kasunduan si Engr. Allas sa CD Industries at Sonic Industries para sa isang proyektong nagkakahalaga ng P2 milyon subalit walang kaukulang board resolution.

Bukod dito, wika pa ng mga board members , binayaran din ni Allas ng mahigit P500,000 ang Sonic Industries sa isang pagawain umano na hindi naman nito nagawa bagkus ang kooperatiba ang mismong nagsagawa ng proyekto.

Hiniling ng mga board members ng Pelco 1 kay NEA Administrator Silva na agarang sibakin sa puwesto si Allas bago tuluyang gumuho ang kooperatiba na tanging nagsusuplay ng kuryente sa bayan ng Candaba, Arayat, Sta. Ana, Mexico, San Luis at Magalang.

Ibinunyag pa ng mga complainants na nakakaranas na sila ngayon ng mga pananakot at pandarahas mula sa kampo ni Allas matapos silang magsampa ng reklamo laban dito habang nais din ng mga ito na ipabatid sa kanilang mga kalugar ang nangyayaring anomalya sa Pelco 1 na kagagawan ni Allas. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

ADMINISTRATOR SILVA

ALBERT FRANCO

ALLAS

FRANCISCO SILVA

LOLIANO ALLAS

NATIONAL ELECTRIFICATION ADMINISTRATION

PAMPANGA ELECTRIC COOPERATIVE

PELCO

ROMULO MIRANDA

SONIC INDUSTRIES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with