^

Probinsiya

Jailbreak: 4 preso pumuga

-
CALAUAG, Quezon Apat na preso na may mabibigat na kaso ang pumuga sa municipal jail sa pamamagitan sa pagsira ng kisame ng isang tanggapan sa gusali ng munisipyo kamakalawa ng madaling-araw.

Sa ulat na isinumite kay P/Chief Insp. Macario Absalon, hepe ng pulisya na ang mga tumakas ay sina Edzel Barguitos, may kasong robbery, Allan Adorna, sa kasong illegal drugs, Felix de Leon, illegal possesion of firearms at Amado Patriarca sa kasong robbery.

Sinabi ni Absalon na ang pagkakadiskubre ng jailbreak ay nang mag-ulat sa kanyang tanggapan si Edizon Peras, utility worker ng munisipyo na sinira ng hindi nakilalang tao ang kisame ng 2nd floor ng assessor’s office at sinira rin ang limang piraso ng jalousie glass window na pinaniniwalaang dito dumaan ang mga preso.

Natuklasan nila ang nasabing pagtakas nang magsagawa ng spot inspection ang jail management dakong alas-2:35 ng madaling-araw.

Kasabay nito, inalarma na ang iba’t ibang police station para muling madakip ang mga tumakas. (Ulat ni Tony Sandoval)

vuukle comment

ABSALON

ALLAN ADORNA

AMADO PATRIARCA

APAT

CHIEF INSP

EDIZON PERAS

EDZEL BARGUITOS

KASABAY

MACARIO ABSALON

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with