Obrero napagkamalan, natodas

RIZAL, Nueva Ecija – Isang 26-anyos na obrero na pinaniniwalaang biktima ng mistaken identity ang napaulat na binaril at napatay ng hindi kilalang lalaki habang natutulog sa bahay ng kanyang kamag-anak sa Barangay Poblacion Centro sa bayang ito kamakalawa.

Idineklarang patay sa Dr. Paulino J. Garcia Hospital ang biktimang si Sware Palagawan, may asawa ng #648 Muslim Center, Quiapo, Maynila.

Ayon sa ulat ng pulisya, natagpuan ang bangkay ng biktima dakong alas-2 ng madaling-araw ng kanyang bayaw na si Alimudin Salim, 19 na huling nakitang buhay dakong als-10 ng gabi na natutulog. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments