^

Probinsiya

Ambush: Aleman todas, 1 pa grabe

-
Isang German-Swiss (half German at half Swiss) national ang kumpirmadong nasawi. Samantala, isa pang kasamahang German national ang malubhang nasugatan matapos atakehin ng mga rebeldeng New People’s Army habang nagmo-mountain climbing sa kabundukan ng Pampanga kahapon.

Batay sa sketchy report mula sa Camp Aguinaldo, kinilala ang nasawi na si Brian Smith, samantalang nasa kritikal na kondisyon naman ang isang tinukoy lamang sa pangalang Ciggy, German national.

Ang mga ito ay pawang mga mountainers na nagkatuwaang umakyat sa Mt. Macapiyan sa bayan ng Porac, Pampanga.

Ayon sa ulat, naganap umano ang pag-atake ng NPAs dakong ala-1:30 ng hapon habang ang dalawa ay umaakyat sa nasabing kabundukan na pinaniniwalaang napagkamalang Amerikanong sundalo na lalahok sa "Balikatan."

Bigla umanong pinagbabaril ng hindi madeterminang bilang ng NPA guerillas ang dalawa na ikinaresulta ng agarang pagkamatay ni Smith. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

AMERIKANONG

AYON

BALIKATAN

BRIAN SMITH

CAMP AGUINALDO

ISANG GERMAN-SWISS

JOY CANTOS

MT. MACAPIYAN

NEW PEOPLE

PAMPANGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with