^

Probinsiya

Lalaki binoga sa ulo habang nagto-tong-its

-
BOMBON, Camarines Sur – Hindi sukat akalain ng isang 30- anyos na lalaki na iyon na ang huli niyang paglalaro ng tong-its matapos siyang barilin sa ulo ng hindi pa nakikilalang suspek sa bahay ng kanyang kaibigan sa Brgy. Siembre, kamakalawa ng gabi.

Ang nasawi ay nakilalang si Ben Amata, may-asawa, magsasaka, ng Brgy. Sibobo, Calabanga ng nasabing bayan na namatay noon din dahil sa dami ng tama ng bala sa ulo.

Batay sa ulat,dakong alas- 7 ng gabi ay naglalaro ng tong-its ang biktima sa bakuran ng bahay ng kanyang kaibigang si Ramon delos Santos.

Bigla na lamang sumulpot ang hindi pa kilalang suspek na armado ng kal. 45 at agad na pinaputukan sa ulo ang walang kamalay-malay na biktima.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung sino ang suspek at kung ano ang motibo nito. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

BATAY

BEN AMATA

BIGLA

BRGY

CALABANGA

CAMARINES SUR

ED CASULLA

INAALAM

SIBOBO

SIEMBRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with