Ex-municipal councilor dinukot ng mga rebelde

BOMBON, Camarines Sur – Isang dating municipal councilor ang iniulat na dinukot ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) habang ang biktima ay nasa sariling bahay sa Brgy. Siembre sa bayang ito kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang kinidnap na biktima na si Eusebio Panganiban ng naturang lugar.

Sa ulat ng pulisya, kasalukuyang nakikipagnegosasyon sa mga rebeldeng NPA sa ilalim ni Ka Benjie ang anak na si Ofelia Panganiban sa naganap na pagdukot dakong alas-5:30 ng umaga habang ang biktima ay kagigising pa lamang sa sariling bahay. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments