^

Probinsiya

22 katao timbog sa droga at sugal

-
Tinatayang aabot sa dalawampu’t-dalawang katao na pinaniniwalaang drug pushers at gambling personnels ang iniulat na nadakip ng mga operatiba ng Task Force Jericho (DILG) sa Baquio City; San Pablo City (Laguna) at Quirino kahapon.

Lima sa dalawampu’t-dalawang katao na nadakip ay kumpirmadong nagpapakalat ng droga sa lungsod ng Baguio, ayon sa ulat ni P/Sr. Supt. Pedro Tango kay DILG Sec. Joey Lina.

Kinilala ng pulisya ang limang ‘drug pushers’ na sina Paul Black, Daniel Atos, Gerardo Saclao na nadakip sa drug bust sa 122 Bonifacio St., Baguio City at ang mag-asawang Ramon at Mely Quiñones na nadakip naman sa 139 Queen of Peace St., Naguillan road.

Nakumpiska sa mga ito ang aabot sa 15 gramo na shabu at 919 gramo na pinatuyong dahon ng marijuana at isang kalibre .22 baril.

Ang mga nadakip namang gambling personnels sa Brgy. Poblacion Quirino ay kinilalang sina Lando Reyes, Erwin Aldeja, Arsenio Garcia, Jeffrey Onin, Ben Ignacio, Renato Balon, Federico Naval, Ester Bundol at Yolly Taganas.

Samantala sa Brgy. Del Remedio, San Pablo City, Laguna, kinilala ang mga nadakip na gambling personnels na sina Armando Pansol, Jay Bambani, Harris Musca, Richard Gonzales, Angelbert Sanchez, Julius Banayo, Joey Reyes at Albert Dizon. (Ulat ni Jhay Mejias)

vuukle comment

ALBERT DIZON

ANGELBERT SANCHEZ

ARMANDO PANSOL

ARSENIO GARCIA

BAGUIO CITY

BAQUIO CITY

BEN IGNACIO

BONIFACIO ST.

BRGY

DANIEL ATOS

SAN PABLO CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with